Imbak para sa Disyembre, 2013

Hard to say Goodbye to yesterday

Posted: Disyembre 10, 2013 in Walang Uri

Sung ng Boyz II Men

Darating at darating talaga yung panahon kukunin na sayo yung mga bagay na binigay temporarily. Wala kang laban! wala kang pwedeng documentong ipang tapat para mapigilan to. Hiram lang kasi talaga.

Ang mas mahirap pa e yung parang biglaan! Tanggap na hindi magiging permanenteng sayo, pero yung tipong bibiglain ka. Sakit nun dre! Daig pang batang inagawan ng lollipop ng batang bully tapos kinonyatan ka pa! (Combined!)

Sa sobrang bigat at di makayanan. Nandyan narin yung time na magtatanong ka. Ku-Question-in si God. Why??, May nagawa ba akong malaking pagkakamali?. Nangurakot/Nagnakaw ba ako at kumuha ng bilyong bilyong pera? di nman ako malinis na tao pero alam ko naman na di rin ganun kahalang ang bituka ko. Slight lang (joke!)

Pero bakit ganun??

..

..

..

..

God planned it. God has the reason for everything. Masakit at mahirap man maintindihan ngayon. Pasasaan pa, makikita rin ang lahat ng reason behind all of things happened.

Yun nga lang. 

Dalawang Babae sa buhay namin ang nawala. 

Miss na kita nanay (Lola)

Miss na miss na kita Mama! 

😥