Archive for the ‘Chees it-o’ Category

LDR

Posted: Hulyo 6, 2010 in Chees it-o

Warning: This post composed of chessy lines and moments. Understanding the author is Advice.

Every great love have/has a great stories.

nabasa kong quotes yan sa isang babasahin di ko lang tanda kung sa tiktik o remate tonight.

May mga pagkakataon na nagmahal tayo ng sobra sobra to the point na halos sa kanya na umiikot ang mundo mo. Alam mo nang mali yun,pero  hala sinigi mo parin at ipinagpatuloy.

Kahit anong pagsubok ang dumating sa inyo, alam nyo sa isat isa na kaya nyo o di kaya ay kakayanin!.

Napakadaming memories na kahit ulit ulitin ay hindi pwedeng masasabing nakakasawa o nakakasuya kung babalikbalikan.

Iyakan? tampuha?? Normal lang yan, minsan humahantong pa sa pandaliang hiwalayan.

Napakalaki ring pagsubok na ang maging malayo sa isat isa ng iyong minamahal. Dagdagan mo pa ng regular awayan habit, naku pow nagkaloko loko na.

90% sa isang bfGF relationship ay hindi umaabot sa isang taon ang pagsasama kung sila ay LDR (Long distance Relationship). Sa pulse asia ko kinuha yang statistics/survey na yan kaya maniwala ka. Isama mo na siguro yung akin dyan.

Nung una aakalain nyong kakayanin nyo ang ganung klaseng sitwasyon. Sasabihin pa.. “Kakayanin ko kahit anong mangyari!”. Ang sweet kung nanamnamin mo ngunit napakahirap kung gagawin.

Kinakailangan ang bawat isa para maipagpatuloy ang nasimulan..

“parang isang sayaw na kelangan nasa tyempo ang bawat galaw ayon sa himig ng musika … kung ang isa ay patuloy na sumasalungat na sa tamang galaw at saliw ng musika… natural lamang na MASISIRA ang sayaw … kaya nararapat lamang na ihinto na lang at humanap ng ibang kapareha na WILLING makiisa sa bawat kilos at galaw na ayon sa musikang inyong napili….”

Gawin lahat ng kayang gawin. MInsan maiisip mong halos lahat na ay iyong nagawa para lang maipagpatuloy ang inyong pagmamahalan.. Ngunit lahat ay may Hangganan.

Isinuko at hindi na nakayanan pa. Masakit ngunit kailangang tanggapin. Ituon nalamang sa ibang bagay ang inyong nararamdaman. At isiping merong magandang plano si papa God sa bawat isa sa inyo na maaaring hindi katanggap tanggap sa UNA pero matututunan din bandang huli.

Ngayon masasabi kong natutunan ko na rin yun. Idinaan ko nalang sa iyak at pagkain. Tama! Idinaan ko sa pagkain ang lahat kaya cute na chubby na ako ngayon hihihi..

Nung una napaka bitter ko. SInabi kong layuan at wag nang magpaparamdam kahit kailan!. Ngunit di naglaon natanggap ko narin maluwag sa dibdib na parang man-boob lang.

Sa ngayon normal na ang lahat. Actually SDEF(super duper especial Friend)na kame ngayon (sya ang nageffort gawin ang acronym na yan)

Kaya irerevise ko ang statement sa unang talata..

Every great love have/has a great stories, and have/has great ending that will lead to live happily ever after.

Parang fairytale lang!

ok tapos na ang chessy mode. Balik sa katarantaduhan mode..

salamat.