Archive for the ‘Family matters’ Category

I miss you Mom :'(

Posted: Nobyembre 3, 2013 in Family matters

Remit

Posted: Agosto 6, 2011 in Family matters, Working tag

Kahapon schedule ng sahod namin. Oh wag nang humirit ng libre, kung keri mong pumunta rito, Sige pa-rine at lilibre kita ng roasted hita ng camel gow!.

So yun nagrequest kame ng masasakyan para maka-luwas ng bayan upang makapagwithdraw at sabay narin ang padala. Kung baga e trinansfer sa amin ng company para itransfer lang din sa family. Nagtrabaho ng 11hours sa loob ng 26 days, na-withdraw  ng 15mins at pinadala ng 1 min. Ang bilis! ganun talaga kailangan ng pamilya eh. emo? 

Anyway para saan pa diba?, Ganyan kadalasan ang buhay ng isang OFW. Naks! feel na feel! pero uu nga. Padating sa Remittance center, Exchange rate kagad ang bungad namin. Minsan masagwa ang reaction bukod kasi sa umaalingasaw ang amoy ng mga patan (pakistani) at itik (indian) e pababa ng pababa yung Palitang ng dollar.

Sa katulad kong Per dollar ang rate, malaking epekto sa akin yung pagbaba nito kontra piso. Sa loob ng isang buwan halos isang libong piso rin ang nababawas. Biruin mo, ilang Pan de coco at coke sakto rin ang mabibili nun!. Mabuti kung bumaba rin ang bilihin kaso hindi naman.. Haist.

Pero kahit ganun iba parin yung may naitutulong ka sa iyong pamilya. Nakikita mong may pinupuntahan din naman kahit papano yung pinagpawisan ng kilikili mo. Tsaka sinong hindi gagaan ang pakiramdam pag sinabihan ka ng magulang mo na…..

Salamat anak! ingat dyan ha, love you!

O diba? ayos na ang Buto buto!

Yun lang!

Salamat!. 🙂

Pressure much

Posted: Nobyembre 22, 2010 in Family matters

Bibihira lang ako tumawag sa pinas.. Sa totoo, kahit na magkanda homesick homesick pa ako e di ko nakasanayang tumawag kela mama. Usually once a week lang at every friday lang ako tumatawag dahil mababa lang ang call rate pag friday. Kung tatawag man ako ng hindi papatak ng araw ng biyernes, malamang may problema o may kailangan akong itanong sa kanila..

like kanina..

May problema kasi dito sa opisina tungkol dun sa kasamahan ko na nagkataong kapitbahay ko pa, na malaki ang pinagkakautangan dahil sa kanyang pambababae.. Since kapitbahay ko nga, ako tuloy ang pinagtatanungan ng kanyang pinagkakautangan. Sinabi ko nalang kay mama na umiwas dun sa kapit bahay namin para wala nang gulo.

Kinumpirma ko rin yung tungkol sa bahay na binabayaran ko. Ayun baka after Christmas e pwede nang lipatan…

So anong catch ng Story ko?? At anong nakakapressure?? wala naman Jowk.

Here are the rest of our conversation kanina ni mama..

Mama: Anak ok na yung house na binili natin after pasko pwede nang lumipat para sakto sa New year e dun na kame sa bagong bahay natin..


Ako: Well that’s great (PUta english!), Anong sabi ni papa??


Mama: Nagkausap kami kanina, Ok naman daw , At gusto narin ng mga kapatid mo. May sinabi si papa mo sa akin… Gusto ka na nyang PAGASAWAHIN..

nagulantang ang aking isipan, nagkaroon ako ng pansamantalang tachycardia (based sa kilala kong NURSE ) bumilis ang pintig ng pulso at walang naimik….

Mama: E sabi ko ayoko pa.. di pa nga tayo tapos sa pagbabayad sa bahay eh..

Ako: O_o

Mama: Tsaka kailangan pang tumulong ni GF sa pamilya nya

Ako: o_O

Mama: Sabi ko nga gusto ko lang magka APO pero ayoko pang mag ASAWA ka..

Ako: O_O(WTF!!)

Mama: Kaya dapat paguwi mo Gawa ka kagad! sinabihan ko na rin si *insert GF name Magpataba.. masyado na syang subsob sa trabaho paano na kung uuwi ka… kelan ba uwi mo anak??

Ako-_- o sige na Ma may ginagawa na ako.. bye Love you.. miss you…

Toooottt tooott..

Napaka-conservative at walang kabahid bahid ng kawalangyaan ang pagkatao ni Ermats! Isa syang tunay na larawan ng DALAGANG FILIPINA…. SYA nA!

Worried To much!

Posted: Oktubre 19, 2010 in experience, Family matters

Habang sarap na sarap sa pananalasa at pang-gagahasa ng bagyong MEGI/JUAN sa Pilipinas kong mahal,

AKo naman dito ay sobra sobrang pagalala, Di mapalagay at parang natataeng di matuloy tuloy sa pagiisip na baka maulet ang paglululob sa putikan ng bahay namin nung kasagsagan ng bagyong ONDOY nuon… Nagenjoy masyado yung house namin, kulang nalang magfloating o di kaya magfreestyle sa pagsi-swimming sa baha! Puting inis talaga!…

Nagaabang at nagbabasa basa nalang ako dito ng mga updates at balita na kung nasaang lugar na ba ang tinitira ni juan at kung successful ba sya sa kanyang bad deeds…

Anyhow….

Kaya para mabawasan ng konti ang pagaagam agam ko, nagtext ako na kung ano na ang mga happenings na nangyayari sa kanila as in “whats up homie “at “how is it going fellas” ang drama ko kela mama…

Ok pa kame dito anak, di pa naman tumataas ang tubig.. wag kang magalala dyan ok????? love lots -MAMA…

Ayos na yun.. malaman ko lang na safe pa rin ang kalagayan nila kahit sa text lang ok na sa akin… Bonus na siguro yung pahabol na text ni mama na…

Anak… Miss ka na namin ng kapatid mo… Kelan SAHOD mo???

Hay kaya lab na lab ko kayo eh… tsk…

Yan lang muna…

Ingat ingat..

Utol!

Posted: Hulyo 28, 2010 in Family matters

Ngayon ang araw ng Kapatid ko, Sya yung sumunod sa akin sa aming apat na magkakapatid puro kameng lalaki..

Pinalaki kame ng magulang namin na may respeto sa isat isa. Masasabi kong nuon hanggang ngayon hindi kame ganun ka-close.. Feeling ko mas gusto pa nilang kasama ang mga barkada kesa sa isat isa…. Siguro Hindi kame Ganun ka CLOSE katulad ng mga kabarkada.. Pero OPEN naman kame lalo na kung may problema ang bawat isa sa amin.

Utol!… Tol… Bro!

Yan ang mga katagang palagi kong sinasabi sa mga KAIBIGAN KO at ni minsan ay hindi ko pa natatawag sa mga kapatid ko NOON..

Sa twing may kaarawan, pasko bagong taon o may espesyal na okasyon sa amin hindi kame nagbibigayan ng regalo, Siguro pareparehong kuripot walang source ng income kaya yun..

Pero napaisip ako, Bakit sa mga kaibigan, sa girlfriend o sa ibang tao nagbibigay ako ng kung ano anong shit sa kanilang kaarawan?,

bakit pagdating sa utol ko ni-CHOKNUT man lang di ko mabigyan.

There’s some guilt in my heart na bakit sa iba todo bigay ako pero sa sarili kong kapatid hindi??.. hay..

Suot mo pa ang mumurahing Relos na binili ko sayo na sandaling mailublob mo lang sa tubig sira.

Suot mo pa ang mumurahing Relos na binili ko sayo na sandaling mailublob mo lang sa tubig e sira na agad.

Sya si Cris, utol ko.. Masinop yan! talagang masinop. Sa aming magkakapatid sya ang maraming natitirang pera at sa kanya kame nangungutan na hindi binabayaran. Magaling magluto, at maaasahan sa mga gawaing bahay.

Mapagparaya din! Hinayaan nyang magaral muna ang sumunod sa kanya at sya ang titigil magaral pansamantala. Hindi kasi kinaya ng father ko na sabay sabay kameng pagaralin. Kaya nagparaya sya.

May ginintuan boses na mala-Erik Santos ang dating.. Meron syang post sa youtube na kumakanta sya kaso di ko na maalala kung ano ang title, nahihiya naman me mag-ask..

Kaya hindi ako naniniwala sa BLACK SHIT SHEEP na yan.. Na kung sino ang SUmunod sa panganay e sya na ang suwail sa pamilya. KATARANTADUHAN yan… at sya ang tunay na patotoo ko!..

Ngayong kaarawan mo tol.. kahit di mo nababasa tong BLog ko e babatiin parin kita ng HAPPY HAPPY BIRTHDAY! hindi ko man masabi sa yo ng harapan o kahit sa phone o post sa facebook e MAHAL NA MAHAL KITA!

Gusto ko minsan maka-jamming tayong magkakapatid.. Yung tipong Inuman tayo tapos si mama pa ang magProprovide ng pulutan natin. Alam kong di mo mapigilan ang sarili mong hindi humawak ng mikropono kaya sa paguwi ko next year bibilhan kita ng Magic sing or kahit anong machine na pangkantahan.. Para sayo lang yun!

Nakapagpost narin naman ako sa wall nya sa Facebook…

at for the first time in my life tinawag ko syang..

Utol!

Bagyo

Posted: Hulyo 13, 2010 in experience, Family matters

Umpisa na ang Rainy season sa pinas ngayon. Heto at kakaba kaba nanaman ako dahil  baka maulet nanaman yung nangyari noong isang taon sa hagupit ng Bagyong Fucking Ondoy. Alam na siguro natin ang buong istorya at nangyari nung panahon yun kaya hindi ko nalang ieelaborate, dadagdagan ko nalang na nakasama ang aking wonderful family sa nasalanta ng putang ondoy na yan.. Bitter?

Pero sabi nga life must go on, buti nalang walang nangyaring masama sa family ko. Ang erpat ko kasi nandito sa UAE pero nasa dubai naman sya, Ako naman ang panganay sa amin ay nandito sa abu dhabi,  so mama ko lang at ang mga nakakabatang kapatid ko lang ang nandun kaya kun-todo pagalala ang ginawa naming dalawa ng erpat ko dito.

Sa tabi kasi ng Ilog yung tinitirhan ngayon at nanngyari nuon ay umabot lampas bubong ang tubig. Hindi naman talaga sa amin yun nakikitira lang kame sa tiyuhin ko.

Nung nangyari yun talagang napagdesisyunan ko na, na bibilhan ko ng house ang mama ko. Kahit mumurahin lang basta makaalis sila dun sa lalong madaling panahon.

Nakahanap na sila ng house somewhere out there na maganda base sa kanila, malayo sa baha at medyo mura kaya sinabi ko na igrab agad yun. Kinausap ko narin si erpat na tulungan kame kahit ako nalang sumagot sa pagbibili ng bahay at sya nalang sa panggastos nila mama. Uumpisahan na namin ang pagbibigay ng downpayment this end of july at by august sa AWA ni PAPA LORD sana makalipat na sila at hindi na aantaying makaabot ng LETTER Z sa pangalan ng bagyo.

Sa ngayon nasa letter B palang as in Basyang ang bagyo, wag naman sanang magalit si mother nature at utay utayin ang pagpapadala ng bagyo sa pinas. Kung dadamihan naman wag naman yung magagalitin, ok na yung mahinahon at mapayapang bagyo. (meron kayang ganun?)

Pero ano toh? meron daw na parating na super-typhoon??

wag naman sana.. Please…

eto sya oh..

Bagyong UTong wag kang pumunta sa pinas owkie?