Archive for the ‘Sports limited’ Category

Isa sa mga libangan naming magkakatrabaho dito ang pagbabasketball. OO lintek ka nagbabasketball ako! hindi lang jackstone at jumping rope ang alam ko noh!. Sa totoo lang di talaga basketball ang kinahihiligang kong sports nung nasa pinas ako, bukod sa 4″11 ang height e di makashoot ng bola at laging duguan ang ilong ko pag nalalaro! *ang chakit!. Actually kinalimutan ko na ang larong yun nuon. Kaya nagfocus nalang ako sa ibang sports like BEDbadminton.

Saktong dito sa accomodation namin e may basketball court at mukhang pinasadya ng company namin na maglagay nun kahit halos walang naglalaro nung time na kokonti palang ang pinoy. Naging usable lang nung dumating kame. hehe

Friendly game at tamang papawis lang ang pinakapurpose namin kaya kame naglalaro. Bonus na pag may konting  Fried chicken, pizza with diet coke na pustahan. Kaya naman kung todo karir ang mga kasamahan ko nung nalamang may Inter-company basketball tournament, kung saan lahat ng malulufet na basketball player of all time ang kasali like Michael Jordan, Larry Bird, Magic Johnson(old school allstar) together with D. Wade, Kobe Bryant At Lebron James dito sa lugar namin. Of course kasama ang company namin at included ang poldo sa line up! kung sabagay wala namang height requirements pagdating sa pagiging WATER BOY diba?? kaya siguro sinama nila ako. Paksyet sila bigtime!

Nagschedule ng practice game ang mga kasamahan ko rito together with 3 korean(SI boy Labo, boy taba at si walang kuko sa hinlalaki). 7:30 ang napagusapan.

Natapos ang work ng 6:00pm at nakarating sa aming accomodation ng 6:30. KUmain. Nagpahinga ng Onti hanggang dumating ang 7:30. Prepared ang lahat pero wala paring krung krung na dumadating. Putek! kala ko pinoy lang ang laging nale-late… badtrip!

Kaya inumpisahan na lang muna namin yung praktis kahit walang ang mga amoy kimchi. 1 to 25 ang ang score na paglalabanan. 5 on 5 (syempre alangan namang singdami ng FOOTBALL ang maglalaro) Random selection ng magkakampi gamit ang walang kamatayang BATO BATO PIK!.  Winner vs. Loser!….

Nagupisa ang laro..

Nang gulo lang si poldo..

Nakadalawang set…

Boom!!  talo ang team ko!.. asa pa!

9:30pm na wala parin ang mga korokan! wala asa pa kameng dumating yung mga yun, kaya napagdesisyunang last game na yun at para makapagpahinga dahil may work pa kinabukasan. Kaya si poldo nagpalit na ng pangtulog naghilamos ng konti(mahirap mapasma!) at nagpahinga na…

10:00pm

Tok tok tok! Poldo, bihis ka dumating yung mga KOREANO! sabi nung isang kasamahan ko..

PAK na PAK! anu ba yun! putek nakapag hilamos, Beauty cream(MASK :-“)  at nakapag tikol na ako sabay darating sila??? Dem et!

OK payn! magbibihis na! taena shit! sakit ng TUhod ko.. Inaatake na ba ako ng rayuma??? shit naman… pero sige GOw! kaya pa..

PUmunta sa basketball court at nakita ang tatlong ulupong.. Inexplain kung pano ang scoring system(scoring system talaga) at  syempre ang walang kamatayang BATO BATO PIK para sa kampihan.Parang walang nangyari dahil magkakampi parin yung tatlo… Tae! three towers! ang tatangkad.. anong laban ni poldo na konting tangkad lang kay dagul! Bahala na!….

Raise to 21….

Nagumpisa…

Nagchange court..

Natapos…

21-18 ang score… Syempre panalo kame!

ano ang stat ni poldo??? eto lang naman

8points 4rebounds 8assist at 1 steal (pang MVP!!!!!!)

WAG KANG MAGPALINLANG ETO ANG TOTOONG STATS!

1point 8rebounds 4 assist at 1 steal (taas ng rebounding ko noh??) Naniniwala kasi ako sa kasabihan ni Hanamichi Sakuragi na

The one who controls the game, Controls the rebound! Oha!

11pm na natapos at inatake pa ako ng sakit kong sipon habang naglalaro… kaya naman Di matatapos ang laro ng walang ginagawang kagaguhan si poldo….

anu pa edi namahid ng sipon sa koreano! wahahahahaha joke lang!

Yan lang po muna!

Finish!