Archive for the ‘Working tag’ Category

Remit

Posted: Agosto 6, 2011 in Family matters, Working tag

Kahapon schedule ng sahod namin. Oh wag nang humirit ng libre, kung keri mong pumunta rito, Sige pa-rine at lilibre kita ng roasted hita ng camel gow!.

So yun nagrequest kame ng masasakyan para maka-luwas ng bayan upang makapagwithdraw at sabay narin ang padala. Kung baga e trinansfer sa amin ng company para itransfer lang din sa family. Nagtrabaho ng 11hours sa loob ng 26 days, na-withdraw  ng 15mins at pinadala ng 1 min. Ang bilis! ganun talaga kailangan ng pamilya eh. emo? 

Anyway para saan pa diba?, Ganyan kadalasan ang buhay ng isang OFW. Naks! feel na feel! pero uu nga. Padating sa Remittance center, Exchange rate kagad ang bungad namin. Minsan masagwa ang reaction bukod kasi sa umaalingasaw ang amoy ng mga patan (pakistani) at itik (indian) e pababa ng pababa yung Palitang ng dollar.

Sa katulad kong Per dollar ang rate, malaking epekto sa akin yung pagbaba nito kontra piso. Sa loob ng isang buwan halos isang libong piso rin ang nababawas. Biruin mo, ilang Pan de coco at coke sakto rin ang mabibili nun!. Mabuti kung bumaba rin ang bilihin kaso hindi naman.. Haist.

Pero kahit ganun iba parin yung may naitutulong ka sa iyong pamilya. Nakikita mong may pinupuntahan din naman kahit papano yung pinagpawisan ng kilikili mo. Tsaka sinong hindi gagaan ang pakiramdam pag sinabihan ka ng magulang mo na…..

Salamat anak! ingat dyan ha, love you!

O diba? ayos na ang Buto buto!

Yun lang!

Salamat!. 🙂

My Devil-ish Boss

Posted: Nobyembre 3, 2010 in Working tag

Dont worry wala nang kinalaman ito sa Halloween EK EK ko!! enjoy!

———————–

‘Ang bait ng boss ko!’

Anim na buwan na akong nagtratrabaho dito, galing sa isang buwan na bakasyon. Masasabi kong nagkaroon ako ng isang napakabait na AMO..

San ka nakakita na hinahayaan ka lang sa mga ginagawa mo kahit alam naman nyan petiks ka lang talaga. Pumapayag pang magOvertime kahit puro pagchachat lang ang inaatupag at kung minsan pa nga e nanlilibre pa ng mga juice o soda sa grupo namin. Take note sa lahat ng departamento sa kumpanya namin kame lang ang may ganun, Panalo diba??. So ideal sa mga napakatamad na empleyadong tulad ko!.

Kaso sa araw araw na ginawa ni papa lord laging ganun. Nakakasawa nang magpetiks! walang pressure! di gumagana ang mga braincells ko sa work. Nilulumot tuloy eh. Parang UNPRODUCTIVE ko nang talaga! badtrip…

Kaya narealize ko! nakakamiss din palang magkaroon ng demonyong AMO.. Opo namimiss ko yung dati kong Boss na konting revision nalang sa kanyang pagkatao e hawig na kay Lucifer. Sobrang istrikto at nakakatakot ang boses. Mangyari kasi kada lipat namin ng bagong administrasyon pero iisang kumpanya(parang bansang may bagong presidente lang) e nagbabago din ang aming AMO kaya ngayon from mala-diablo to San Pedro ang pagkatao ng mga boss ko..

 

 

Kinupit ko from his Facebook account.

Sya ang dati kong Boss Si Ki Soo Lee o mas kilala sa kanyang English name na JOCKEY LEE, oo!! alam ko na ang reaction mo! pareho tayo. Kala ko nung una e brand lang ng BRIP ang JOCKEY LEE! akalain mo yun! totoong tao pala yun at naging boss ko pa! asteeeeeg!!!

Minsan na akong nahuli ng boss ko na nanonood ng video clip sa utub!(ang bait ko noh) at oras pa ng trabaho yun kaya AWARDED ang poldo at pinagsabihan na wag na wag manonood kundi sibak ako sa pwesto!! syempre natako me! kaya NANONOOD parin ako patago nga lang. hehe

Bugnutin lalo na pagwalang tulog at pressure na pressure sa trabaho. Kahit sa simpleng pagngiti ngiti mo lang at tyempong makita ka nya… BOOM!!! bubulyawan ka ng bonggang bongga at pakiramdam mo e nalulusaw ka sa lakas ng pananalita nya!…

 

Eto pa ang iilang malademonyong gawain ng boss ko…(Joke lang sa malademonyo)

  • Kayang umubos ng 3 pack ng yosi sa isang araw.. pag ginanahan +1 mo pa!
  • Umuutot ng pagkalakas lakas in public(pag nasa opisina lang namin at walang amoy)
  • Pagnagbibiro kala mo galet! pasigaw naman kasi!
  • Nanununtok, naninipa!, namamalo ng HElmet at nanakal! ganyan sya maglambing!
  • Maikli ang pasensya!
  • Kuripot sa pagbibigay ng BONUS!!! putek sya!

Naranasan ko ring Masigawan nya nuon. Yun yung araw na namiss place yung susi ng isang equipment namin. Nangyari e kailangang kailangan yung Equipment na yun dahil made-delay ang trabaho. Halos magkanda hilo hilo na kame sa kakahanap ngunit wala. Kaya ayun minura mura ako at ako naman di nakaimik at gustong umiyak! sa pangyayaring yun talagang mangiyak ngiyak ako. Dahil Believe me or not,  ingat na ingat ko yung Susi na yun.  Nagkataon lang na ibinigay ko sa isang kasamahan ko para sya na ang magabot dun sa operator ng equipment,  e ang nangyaring wala yung pinag bigyan ko, nasa ibang area nagtratrabaho at wala syang cellphone para matawagan! bwiset talaga! Pero after naman nun nagkaayos parin kame at dun nagsimula yung father and son na turingan namin..

Kahit na ganyan ang ugali nya sa umpisa e nakilala ko ang tunay na BRIP este Jockey Lee…

  • Mapagmahal at di pabaya sa mga tao nya!
  • Dahil likas na nakakatakot ang itsura at ang dating.. takot sa kanya ang ibang department kaya. WE RULE!!
  • At marami pang iba.. nakalimutan ko lang hihi

Nagshare sya about sa kanyang personal life sakin dati… Sabi nya kung nagtagumpay lang daw yung unang pagibig nya malamang naging kaedad ko raw yung magiging anak nila… Ang sweet! LOL

Nahuli rin nya akong nagdedesign ng bahay. As in nagdra-drawing ng floor plan ng bahay. sabay nagtanong sya..

Is it your house plan in the future??
Uhmm.. No sir, I’m just practicing my CAD skills. sunod ko pero sa totoo yun talaga ang gusto kong plano sa bahay ko..
That’s not a problem! at least you have plan for the future. You just need to strive for it. Okay?? payo nya.
Yes sir! sambit ko
Goodluck!! panghuli nya…

The End…

Namimiss ko lang ang boss/Father/friend ko… Magkasundo kame kasi pareho kameng Demonyo! bwahahahahaha

Batang bata ka pa!

Posted: Oktubre 2, 2010 in experience, Working tag

Sa maniwal kayo’t sa hindi e 21 Years old ako simulang magtrabaho bilang OFW. Bagitong bagito pa talaga sa larangan na aking sinusubukang tahakin.

Gustuhin ko mang magpakasarap sa buhay sa pinas ay hindi pepwede dahil kailangan paring magbanat ng buto para sa kinabukasan at tumulong narin sa pamilya. Nakapagwork naman ako pandalian ngunit di ito sapat para sa pagaaral ng mga kapatid at pagtulong sa pamilya. Kaya naman minabuti kong subukang magtrabaho sa labas ng bansa. At yun nga hanggang ngayon nandito parin me.

“Ang bata mo pa ha! pero ayos yan” sabi ng isa sa mga kasamahan ko nung unang malaman na ganun palang ang edad ko.

Advantages ng pagiging pinakabata sa pinagtratrabahu-an.

  • Maagang mamumulat sa hirap ng buhay. Di ko alam kung advantage to o hindi para sa iba, pero para sa akin e advantage ito at maging inspirasyon pa. Dahil sa bata palang kame ang pinaka pangarap na namin ay maging maginhawa sa buhay.
  • Madaling matuto dahil nasa stage of learning parin ang utak.
  • Matututong tumayo magisa at harapin ang problema.
  • Dahil binata pa maaaring maraming maipon (at hindi ako yun)
  • at marami pang iba..

kung may advantage syempre merong disadvantage

  • Lagi kang inuutus utusan kahit di naman kasama sa departamento ay kung anong yabang kung mangUTOS!
  • Hindi masyado pinaniniwalaan ang  mga opinyon lalo pagdating sa trabaho, kaya ang nangyayari tahimik nalang.
  • Kung sakaling tutulong ka sa mga problema sa trabaho e hindi naappriciate ang ginawa mo at parang wala lang.. tsk

Hindi naman siguro sa lahat ng pagkakataon e ganyan.. Nangyari lang kasi e naexperience ko ang mga ganyang eksena kaya yun na ang naging perception ko.

Kayo anong sa tingin nyo? Ok bang maging bata sa pagtratrabaho sa ibang bansa?? o tama lang yung ganung edad??  (naks may tanungan interactive?!)

yun lang po! salamat

Fit To work

Posted: Agosto 17, 2010 in Working tag

Sa lahat siguro ng mga manggagawa mapa-Local man o outside the country ay nagUUnderGo sa isang Medical Examination which was required in all company. Siguro nasa batas din ito para na rin sa kapakanan ng mga manggagawa sa usaping pangkalusugan. Dito malalaman kung ikaw ba ay Physically, Psychologically/Mentally and emotionally(Kasama bato?) fit sa trabahong iyong gustong pasukin.

Tatlong beses palang ako nakapagpamedical na required sa trabaho una e nung naging SIR ako, requirement sa pagtratrabaho abrowd at Nung dumating ako dito.

Nung firstime kong mamedical ok naman. Expected kong gagawin sa perfect kong body e yung iche-check ang Blood pressure/Blood sugar, I-eexray, ichecheck ang eye kung malinaw pa at ang pinakapaborito ko sa lahat e yung SULYAP-PWET at HAPLOS-BETLOG lalo na kung chikabebs ang gagawa(jowk ihateit much). Akala ko nuon e lahat ng yun gagawin sakin hindi pala(buti nalang). Kinuha lang ang yung BP KO tapos after that nagpa-XRAY. Pagdating sa physical examination simple lang ang ginawa sakin tingnan ako from head to toe then smile at nagtanong ng kung ano ano like kung meron akong natatagong sakit like Hepatitis, TB, sakit sa heart, sakit sa utak, Herpes At tulo. Ang naging result? Fit to work! ayos!

Ang pangalawa ay natupad na ang aking inaasahan lahat ng test ay kinakailangang maipasa para Matuloy lang sa pagalis ng bansa.  Bago  man Dumating ang araw ng paghahatol inabisuhan na ako ni mama na wag munang kumain ng kumain ng unhealthy foods o uminom ng alak/softdrinks. Puro Saging lang at evaporated milk yung binibigay sakin ni mama. Kasabay nuon ay nagprepare narin si mama ng 2 bote ng mertayolet, para sa tae at wiiwii… Wala namang naging problema sa pagkuha ng wiwi kahit di mashoot Oks lang kasi pwede namang hugasan at di mabaho pero hutaenashit pagdating sa pagkuha ng shit pahirapan. Dahil perstaym ko nun tinuruan pa ako ni mama kung pano kumuha ng shit! sabi nya

INA: “wag mong kunin yung unang labas, utay utayin mo yung pagIRE tapos kunin mo yung nasa gitna.
AKO: “Ma! Mapauna, Gitna o huli yan tae parin yan! tae!”
INA: “Ahh basta gawin mo yan! para sure!”

SA huli si mama rin ang nagwagi. Shit talaga ang hirap kayang pigil pigilan yung paglabas nun nakakabitin! pero dahil sa kinakailangan no choice kailangang gawin. Buti at malaking epekto yung pagkain ko ng saging at tubol tubol ang lumalabas. Hutaena pano kaya kung ga-sabaw sabaw yun tapos kailangang ishoot sa butas ng mertayolet! Mahabaging langit!. Ayun at nagawa ko rin naman at ready for medical na ako.

Dumating ang medical day, ayos! onte palang yung tao at makakatapos ako ng maaga aga!. Ibinigay ko sa pinakaReception yung mga documents ko at naghintay. Makalipas ng isang oras ay tinawag ang pangalan ko at pinaakyat na ako sa taas. Una kong pinuntahan yung loner na bading sa pinaka-kanto ng room. Duon ako nagpasukat ng Etits weight at height. Konting kalikot dong! finish!. Pagtapos ay pumunta ako sa Optalmologist at sinukat ang talas ng aking paningin. Konting kalikot dong! Fit to work!. Sumunod ay sa psychologist naman ako tumungo, binigyan ako ng kung ano anong sasagutan binigyan ako ng time limit na 1 1/2 hour para tapusin yun. Makalipas ang isang oras nasagutan ko na ang lahat at ibinigay dun sa psycho(parang sakit lang LOL). Sumunod naman ay dun sa detal, konting tingin tingin sa aking ngipin Dong! Failed!. Meron daw akong 10 ngipin na inuuod na at kailangang linisin/Pastahan or else bunitin nalang. Dahil sa sobrang yaman ko nung time na yun sa pagbalik ko nalang ako magpapapasta dahil saktong pamasahe at pambili ng lunch yung pera ko nun.

Tanghalian na at nagBreaktime muna ang mga tauhan dun sa medical clinic. After one and half hour bumalik ako para ipagpatuloy ang aking nasimulan. Dumiretso ako sa 2nd floor kung saan dun ipapasa yung nakuha naming tae at dun ay may sarili silang CR para dun na kame mag-wiwiwi. Sumunod naman ay ang kuhaan ng dugo! shet! karayom! pero tiis lang sayang ang pogi points sa magandang nurse na kumuha sakin ng dugo. Tumingin nalang ako sa malayo at pumikit! sabi ni madam nurse wag daw matakot kagat lang ng langgam. Putah lagi naman ganun pero ang sakit parin! halikan kita dyan eh. hmf!

Anywei, going to the next part ang physical test. Una ay chineck ang aking bloodpressure, NAMAN!!! 145/90 ang BP ko ang taas! sabi balik ako after 3days kundi lagpak ang aking result. At ang pinakahuli sa lahat ang pinakamatindi ang SULYAP-PWET at HAPLOS-BETLOG. Lalaki yung nagexamine sa akin kaya walang hassle ilang sigundo lang ang tinagal namin sa loob ng maliit na cubicle at presto! ayos pasado ang pwet at betlog ko sa kanya. Pagkatapos nun ay ininterview nya ako about sa aking health history katulad nung unang tinanong sa akin kung meron daw ba akong natatagong sakit, kung meron akong tattoo at kung meron previous operation na nangyari sa akin. SAbi ko nalang e nung tinuli ako yun ung last na operation ko. Ayun ayos na rin at sobrang pagod ang aking body.

After 3 days bumalik ako para magpalinis muna. Shit ganun pala yung pagpapasta nakakangilo na medyo masakit din.Deym ang daming inayos sampung ngipin! napaghahalataang di nagpapadentista. Sumunod ay ang pagpapaBP, dalawang beses chineck at walang may pagbabago naman 130/90, POta shet talaga ang taas talaga. Dahil dun ay pinabalik nanaman ako after 2 days. Naiinis na ako nun kaya bumili nalang ako ng gamot na ginagamit ng lola ko pag sya ay highblood then after 2 days bumalik ako ayun 110/80 na!. Nagulat pa yung nurse na nagcheck sa isip isip ko wag mo nang kontrahin baka tumaas pa!. Hayun at ang resulta lahat lahat ay Fit to work! ayos!

Hindi ko inexpect na imemedical din pala ako after kong makarating dito. BUti nalang at wala nang kuhaan ng BP kundi Xray lang at KUhaan ng dugo (shyeet yun nanaman!). Walang problema sa XRAY kasi pinoy din yung nagXray sakin ang problema ko ay yung kumuha saking dugo na isang pakistani! taenangshit parang naglalaro lang ng dart yung kupaloids na yun!. ang daming mali at ang daming tusok ang ginawa nya!. Pero Ayos lang kasi ang result ay..

FIT to Work! Kahit kumikirot kirot yung lugar nakinuhaan nya ng dugo Ayos narin yun!

Yun lang..

Have a nice day! Ayos!

Siguro Di na bago ang mga linyang..

I’m Proud to be Filipino!

I am Filipino so I am Proud!

Hoy! Pinoy ako!

Ang tanong, Nasubukan mo na bang maipagtanggol ang lahing Filipino? Kahit sa simpleng salita o kahit idaan sa dahas.. Naipagmalaki mo na ba ang lahing Filipino sa ibang nation??

Sa higit dalawang taon kong pamamalagi dito sa lugar ng Emerati, Ilang beses ko naring naranasang Alipustahin ng ibang lahi ang mga kapwa ko Filipino. Nandyan yung sasabihan ng  Mayabang, Maangas o di naman kaya sipsip pero ang mas malala e magnanakaw o sinungaling..

Naexperience ko dito minsan na may sinabi yung isang TeaBoy o yung taga timpla ng kape o tsai about sa mga Filipino. Ang siste kasi e nawawalan daw sya ng mga gamit sa kanyang opisina which was the TEA ROOM, tinanong ko kung bakit walang ganito/Ganyan… At sabihin ba naman na..

“SOmebody alibaba(may kumuha ng di nagpaalam in short ninakaw)”

at may follow-up hirit na..

“I know filipini alibaba this!.”

Nag-init agad ang tenga ko at sinabing (paki translate nalang in English kasi dinudugo na ako eh..)

“Panu mo nasabing Filipino ang kumuha nyan?, bakit Filipino lang ba pumupunta dito sa room nato?? at napatunayan mo na ba?? asshhhhoooollleee..”

At wala na syang nasabi!. Tae sya!..

Nakakainis kasi wala man lang syang batayan para sabihin na isa sa mga PINOY  nga ang kumuha nun! at ang mas lalo kong ikinainis  e ang tagal nyang timplahan ako ng kape! *wwoott wooot!

Anyways, Hindi ko rin naman masisisi yung half kupaloids-half man na yun, Dahil narin siguro nung panahon na yun may isang kleptomaniac na Filipinong gumagala sa aming kumpanya.  Aktwali nakulong din sya ewan ko lang kung nakalabas na ngayon, nakakaawa din naman di lang sya kung pati ang naiwan nyang pamilya sa pinas.

Karaniwang ganito dito, Parang once na magkamali ang isa kalahi mo e damay damay na lahat. Pero hindi parin nararapat na husgahan ang ibang tao kung nagkamali man ang isa sa kalahi nila.

Recently lang merong pang isang incident na kinuwento lamang sakin ng isang bisor ko at nangyari ito nung isang araw dito. Sinabi daw nung isang itik(Indian) sa isang boss na korokan(korean) dito na

“bakit daw OVER TIME ng Overtime ang mga filipino kahit wala namang ginagawa.”

Narinig nung bisor na pinoy at sinabihan nya na..

bakit mo papakialaman yung nagoovertime na Filipino? at pano mo nasabing walang ginagawa? sa tingin mo gusto naming magOvertime? kayo nga buong araw puro gir gir(usapan ng usapan ng walang kabuluhan) lang ang ginagawa nyo! tapos papansinin nyo kameng mga pinoy na nagtrarabaho???” *in english language yan ha..

Speechless ang gorilla at hindi na nakaepal dun sa sinabi ng bisor ko… Napatawa nalang naman yung korokan at NAPABILIB sa sinabi ng pinoy!..

Isa rin siguro itong pasakit sa mga nagtratrabaho sa ibang bansa lalo na kung may ibang lahi na nakasanayang dumila ng pwet ng amo! Pero kahit ganun palaban ang mga pinoy kahit saan mo ilagay handa! at hindi magpapatalo kahit kanino pa man!

Pwede ko na rin sigurong Idagdag dun sa itaas na statement ang..

I am Filipino! don’t mess with us

Sir!

Posted: Agosto 6, 2010 in experience, Kahit anong ka-poldo-han, Working tag

Naalala ko nung naging Professor ako Three years ago dun din sa school na pinagraduate-tan ko. Hindi ito pangkaraniwan sa katulad ko na walang hilig sa pagtuturo. Hindi ko rin lubos akalain na magiging Guro ako at matatawag na SIR. Kahit nung bata pa ako, pagkailangan ng utol ko ang aking karunungan(kung meron man) hindi ko talaga sila tinutulungan. Kung magkataon mang tuturuan ko sila, malamang pilit ni ermats with kasamang pingot pa yun.

Maikli rin ang pasensya ko kaya pag hindi kagad nakukuha ng utol ko ang tinuturo ko o yung gusto kong matutunan nila e pasigaw na at sinasabihan ng ang bobo you naman! *pero joke lang yun* Umiinit lang ang ulo ko at ang pinaka sweet dun e  pinapalo ko ung libro sa ulo nila para matuto. *ang swet talaga ni koya.

Ni-refer lang talaga ako ng Prof ko nung college dun sa school directress para makapagturo. Napasobra yata sa sipsip pagpapakitang gilas nung studyante pa lang ako at napabilib yung prof ko. Mga last 2 weeks before graduation inabisuhan na ako ng prof ko na magprepare ng topic na pwedeng i-demo para saganun maback-up-an nya ako. Syempre kailangang hindi mapahiya kaya prepared na prepared ako. Aktuwali Mga ilang days lang after graduation nag-gala at todo partey kagad ako. Tapos the night before demo-teaching, talagang todo praktis ako sa harap ng mga klasmeyt ko dati hindi para magbigay sample ng ituturo kundi makipag-inuman. Ohha Prepared na prepared yan!!

Kinabukasan kahit may hangover putek nagDEMO parin ako at talagang kinarir ko english kung englishan ang labanan. Nagbasa rin naman ako kahit konti about dun sa ituturo ko at dahil narin sa fresh graduate ako, sariwa pa sa utak ko yung topic. Ayun successful at hindi ako nakapasa sa demo-teaching, ASA pa akong makapasa dun di ko naman talaga linya ang pagtuturo. Pero dahil kinakailangan talaga ng katalinuhan ko Teacher That time e kinuha na rin ako as assistant professor. (No choice??).

Sa unang araw ko sa trabaho, hindi naman ganun kaexiting or nakakakaba. Bakit kamo? dahil mga naging classmate ko rin ang mga natuturuan at parang balik eskwela lang din ako..

“Ahahaha pagkakataon ko nang makaganti sa inyo mga kupaloids”

Lahat na binigay na subject sakin puro major at puro graduating students ang mga naturuan ko… Mahirap sa umpisa dahil kinakailangan ko ulet balikan yung mga subject na natutunan ko as a student at ang pinaka nakakadugo dun e kailangan kong ituro sa mga mokong kong studyante yung mga yun!. Hirap nun! pramis!

Bukod sa mga naging kaklase ko, Meron din akong naging student na Spoiled brat, maaangas, Nerdy,Kengkoy , seryoso at ang pinakagusto ko sa lahat e yung mga MALALANDI matatalino at mababait. Mahirap kung sa mahirap pero naging enjoyable narin naman para sakin yung pagtuturo. Parang way of revenge ko narin sa pagpapahirap ng mga prof ko when i was studying wahahahahaha *devil laugh

Pagdating sa Examination madali lang naman ako magpaexam of course ayokong mahirapan ang mga students ko no so mga simple enumerations, true or false, identification at simple computation at equation  lang yung pinaka exam ko… Right minus wrong nga lang. At pag ako naman ay nagbabantay sa mga nageexam, allowed ang magkopyahan wag nga lang papahuli. Dahil 100% Singkwenta ka o di kaya naman magkakaroon ng star ang cover sheet ng booklet mo.

At ang pinakapaborito ko sa lahat pagdating ng Finals dyan mo mararamdaman yung mga kinakailangan ng tulong mo, Dyan rin makikita ang mga studyante na madalang pa sa patak ng ulan sa middle east kung magpakita. Daming iooffer sayo, Gimik dito gimik dun syempre sagot ng studyante. Kala nila makukuha nila ako sa mga ganun no way noh! *lightning strikes.

Kahit yung dating kaklase/kaibigan ko nun e naging tagilid sa grades, isa narin sigurong pahirap para sakin.  Pero kinakailangang maging professional, kung bagsak at wala akong nakikitang effort kahit bigyan mo ng mga make-up projects e binabalewala nila sorry nalang talaga.

May kinokonsidera rin naman ako yun yung tipong may effort naman sa pagaaral,  di talaga kaya ng IQ nila. Dun ako nagbibigay ng mga extracurricular activities like pagparticipate sa mga events sa school pandagdag points kung baga.

Nakakailang din pagnagpupunta ako ng faculty. Biruin mo dating mga prof. e ngayon kasama ko na sa trabaho. Lumelevel up na me!. Cool naman silang katrabaho at syempre dahil mga batikan na sa kanila narin ako humihingi ng mga technique or mga ideas about dun sa mga subject na tinuturuan ko.

All in All, naging masaya rin naman, Kahit na merong ass licker at politika (hindi na siguro maalis yun) e hindi naging malaking problema para maging makulay ang aking unang trabaho.

Kung itatanong mo kung merong nagoffer sakin na gurlie ng ganitong mga linya..

Sir, I need a High grades, can you help me? i will do anything what ever you want...

Sasabihn ko sayo! sayang wala eh! LOL

SOunds familiar huh?

Hindi na bago siguro sa atin yung pagbibigay ng Pet name o yung palitan ng pangalan.

Nung akoy nagaaral way back mga few weeks ago(LOL) e talagang usong uso na yung ganyan,  mula sa pinaka masungit na teacher hanggang sa mga bully na student. Nagiging TUksuhan at minsan e ginagamit narin ng iilan ang ganung klaseng mga pangalan dahil dun narin sila nakilala.

Sa pagpapalit ng mga pangalan may mga bagay na dapat sundin(kailangang may ganun!)

  • Look-a-like –> KUng pangalan ng tao ang ipapalit nyo sa pangalan ng inyong victim dapat e look a like nya pero mas horrible nga lang pagdating sa kanya.
  • Thing –> Kung ihahalintulad naman sa mga bagay dapat kapareho sa victim yung characteristic nung bagay. Mapa pagkain, gamit sa bahay, sa kusina o sa kubeta.
  • Hayop –> obyus na may kamukhang hayop ang iyong victim.
  • Alien-nation –> eto yung pinaka matindi sa lahat karaniwang ginagamit mo ito sa victim kung may malaking galit ka sa kanya.

Legend

Victim – Taong napiling palitan ang pangalan


AT dahil sa sobrang bait ko ginawan ko ng mga pet name ang ilan sa mga nakatrabaho ko ngayon at dun sa past work ko..


Ms. Blessita Gandang-PUta A.K.A. Munting biyaya – Sya yung school directress dun sa school na pinagtrabaho-an ko mga years before. MUnti dahil huminto na syang lumaki at the age of 16 at biyaya dahil name nya yan in english version. Meron pang iba like MicroSD at MiniSD. SD means School Directress

Mr. BA A.K.A. Naglalakad-na-etits – Taaaahh-maahh! kahit napakahaba ang pangalan nya e todo effort kameng banggitin nyan, sya ang pinaka ayokong professor nung College ako. Kailangan pa bang sabihin kung bakit ganyan ang pinangalanan namin sa kanya??.

Abdul Jakol A.K.A. Teletubbies – Dalawang beses ko na ata syang nabanggit dito sa lungga ko (sikat!) hindi mo pa nababasa?? click mo nalang to –>>>> Poldo-look-a-like ni John lloyd Cruz or eto poldo-look-a-like ni Piolo Pascual Kasamahan ko sya dito ngayon.

Mohammed eklabu also known as Kobe Bryant -> Indian na kamukha ni NBA supah star KB24 worst version nga lang at di marunong magbasketball.

Reyaz A.K.A. Dagul – Indian, Siya ang office boy namin dito, mabait naman at nakasanayan na nyang ganyan namin sya kung tawagin.

Mista(Mister) Han A.K.A. Bruce Lee – Koreano na kamukha ni bruce lee.

Kumar Kumag A.K.A Homer Simpson -Every time na nakikita ko sya di ko mapigilang tumawa.

at pang huli..

Poldo A.K.A macho-gwapito – Joke lang