Happy New Year

Posted: Enero 4, 2012 in Walang Uri

Late na kung late pero walang makakapigil sa akin, babati at babati parin ako!

Happy New Year Guys!!!

 

Maraming nangyari. Maraming naganap.

Merong Saya at natural meron ding lungkot.

Ganun naman talaga ang buhay, kailangan ituloy.

Etong taong 2012 ano nga bang aasahan ko??? wala! basta ipasa-Dyos nalang ang lahat. Sya ang magtuturo, ako ang magda-drive.

Things may come and go, but still the precious one will be kept in memories, forever.

Bye 2011..

Apir 2012! ^_^

Advertisements

Wala akong ganang magtrabaho ngayon!. Wala, tinatamad, inaantok. Pati ang mga Krung krung na kasama ko dito, nakakairita!. Tanong ng tanong samantalang di naman maintindihan kahit ipaliwanag ng ilang beses!. Kung sabagay, pano nga maiintindihan at mauunawaan ang mga sinasabi mo kung lasing at may hangover ang kinakausap!. Pumasok ng lasing? very unprofessional! letse!. Joke!

Inaantok talaga ako, Napuyat ako kagabi. Wala akong ginawa! wag kang malisyoso.

At dahil sa wala ako sa mood magtrabaho, eto’t nakapagblog pa diba?. Ikot ikot lang sa World Wide Web. Nagaadik hanggang magluha ng dugo kaka-facebook at twitter. Wapakels.. Mahuli nila? edi pauwiin nila ako sa pinas! gow! Joke.. mahirap bumalik sa pangangalakal ng basura noh

Nagopen ako ng WayEm. I’m sure marami akong makakaututang dila duon at magbibigay sa akin ng panandaliang aliw. At hindi nga ako nagkamali. Eto yung isa….

Tae lang.. Miminsan na nga lang ako magoopen ng WayEm at makakausap ang mga friendly friends ko.. Puros kababuyan at kadugyutan pa ang magiging topic. Pero wag ka! yan ang nagpabuo ng araw ko. Basta kabalahuraan at kababuyan ang usapan. Buhay na buhay at magigising ang mga natutulog na living cells sa aking katawan.

Wala namang masama dun noh. Ayos nga e at open na open kame nung Friend kong yan. Natawa at na-aning lang ako sa salitang REGLA.

Naikwento ko narin kasi minsan dito na wala akong kapatid na babae. At tanging sa mama ko lang naririnig ang salitang regla in person. Alangan namang hiritan ako ng mga kapatid ko nang “Kuya bilhan mo ko ng napkin! may regla ako.” Tang’na edi binabad ko sila sa kumukulong tubig with love.

Kahit sa mga kaibigan kong babae o kay GF, hindi ko naririnig ang salitang Regla. Its either “Meron ako” or May “Mens ako”  ang karaniwang nilang sinasabi. At descreet pa. Ako lang mismo ang nagbubulgar at pasigaw na sinasibing ANO?? MAY REGLA KA???! Jowk..

So ayun nga wala namang kaso yun. Ayos na ayos at nabuo pa ang araw ko.. Ayan, ganado at balik trabaho na ule? EPEKTIB!

at sayo Friend:

Keep it Up! bwahahahahaha *insert devil face*

Yun lang..

Have a nice day! muah!

Madami nang mga Superhero movies ang mga naipapalabas sa mga sinehan. Mula kay Incredible hulk hanggang sa fantastic four. Sa labas na brief nila batman at superman hanggang sa pinakabago at macho-gwapitong si Capt. America.

Ilan sa kanila’y In-born na talaga ang kanilang superpowers kung baga cutie-babies palang may extra-ordinary na sa kanilang katawan. Meron din yung mga superheroes by accident na kung mapapansin mo ay puros science experiment failures. Kaya dapat tanggalin na sa Curriculum ang science eh bad sa human life! Jowk lang! i lurve science kaya!

Anyway, Idagdag pa yung dating mga superheroes, yung mga galing japan. Katulad nalang  ni Masked Rider Black at ang kanyang wonderful rider kick. Si Machineman at ang kanyang plastic cover-cape. Si shaider at ang panty ni annie at Lahat ng group heroes na nagtatapos sa -man (like Jetman, Fiveman, Maskuman). Sinong makakalimot sa mga Astigin fighting scene at pagdating din sa istorya ay di rin pahuhuli db?. Tsaka Nakakamiss din pala yung Themesong ni Puma-le-ar na kadalasang nakaka-LSS. May LSS  na pala dati.. LOL

Sige, since superheroes narin naman ang pinaguusapan syempre di pahuhuli ang mga pinoy dyan!. Meron din tayong pinoy superheroes. Mula sa pinaka-badass na sina Kumander bawang, Panday at Pedro Penduko, Hanggang sa Filipino version superheroes na sina Capt. Barbel (superman), Darna (Wonderwoman), Gagamboy (spiderman) at  boy paniki (batman). Lahat sila’y pumukaw sa ating murang pagiisip at dinala tayo ng ating imahinasyon sa kanilang mundo.

Pero pano kaya kung isang araw noh, meron kang nakasalubong na isang ermitanyo (tae! parang pinoy movies lang!) tapos dahil sa napakadalisay ng iyong kalooban kahit wala sa pagmumukha e binigyan ka ng chance para magkaroon ng super powers. Tatanggapin mo kaya?? e Pano kung yung super powers na yun e merong side effect o di kaya may kailangan kang gawin para magtrigger yung powers na yun.

Kuha mo ba? o sige bigyan kita ng sample.

  • Binigyan ka ng Abilities ni Superman kaso de-battery ka after 1 hour kailangan mong magrecharge.
  • May X-ray vision na gumagana lamang sa mga taong may edad 65 pataas.
  • Para sa mga kalalakihan. May Kakayahang lumaki at lumakas na parang Increadible hulk kaso kailangan munang pitpitin ang Betlog para magtransform ng ganun.
  • Para sa mga kababaihan. Invisibility pero kailangan munang sundutin ang puki!, Joke! Hanggang sa loob lang bahay gagana ang invisility nyo! tse!… Lol..
  • Power ni darna, tapos bato ng tawas na kasing laki ng kamao ang lulunukin.
  • Kakayahan ni spiderman, Meron kang spider ability at ang sapot lumalabas kagaya din ng spider, Sa pwet.
siguro…
Napakapeaceful at napakasaya ng earth.
Peaceful Kasi Merong superhero na pwedeng katakutan ang mga masasamang tao.
Napakasaya kasi literal na matatawa ka sa mga abilities nila.
Ikaw anong klaseng superheroes ability gusto mo?
Wag kang mamburaot! kailangan may side effect yan!
yown lang, salamat ^^

Remit

Posted: Agosto 6, 2011 in Family matters, Working tag

Kahapon schedule ng sahod namin. Oh wag nang humirit ng libre, kung keri mong pumunta rito, Sige pa-rine at lilibre kita ng roasted hita ng camel gow!.

So yun nagrequest kame ng masasakyan para maka-luwas ng bayan upang makapagwithdraw at sabay narin ang padala. Kung baga e trinansfer sa amin ng company para itransfer lang din sa family. Nagtrabaho ng 11hours sa loob ng 26 days, na-withdraw  ng 15mins at pinadala ng 1 min. Ang bilis! ganun talaga kailangan ng pamilya eh. emo? 

Anyway para saan pa diba?, Ganyan kadalasan ang buhay ng isang OFW. Naks! feel na feel! pero uu nga. Padating sa Remittance center, Exchange rate kagad ang bungad namin. Minsan masagwa ang reaction bukod kasi sa umaalingasaw ang amoy ng mga patan (pakistani) at itik (indian) e pababa ng pababa yung Palitang ng dollar.

Sa katulad kong Per dollar ang rate, malaking epekto sa akin yung pagbaba nito kontra piso. Sa loob ng isang buwan halos isang libong piso rin ang nababawas. Biruin mo, ilang Pan de coco at coke sakto rin ang mabibili nun!. Mabuti kung bumaba rin ang bilihin kaso hindi naman.. Haist.

Pero kahit ganun iba parin yung may naitutulong ka sa iyong pamilya. Nakikita mong may pinupuntahan din naman kahit papano yung pinagpawisan ng kilikili mo. Tsaka sinong hindi gagaan ang pakiramdam pag sinabihan ka ng magulang mo na…..

Salamat anak! ingat dyan ha, love you!

O diba? ayos na ang Buto buto!

Yun lang!

Salamat!. 🙂

Hey guys! maligayang pagbabalik sa akin.. ahihihihi

Oo sige game gusto ko nang magbalik loob. Gusto kong magkwento ule, kahit walang kakwenta kwenta, gow lang! wa pakels hohohoho

Ang daming bago grabe! ngayon ko talagang napatunayan, isa na akong taong bundok, o mas related sa kinalalagyan ko, isa na akong taong disyerto.

Sa facebook at twitter nandyan yung nage-exchange ng ID sa google +. Sa totoo lang hanggang ngayon di ko alam kung ano yun. Sinubukan kong puntahan yung site, as in Google+ pa ang tinype ko sa address bar, at natural walang lalabas. Shungangers talaga.

Ni bagong mga palabas sa sinehan di ko na nasusubaybayan. Transformer? HP? Hangover? lahat ng yan atat na atat na akong panoorin! hindi na makapagDL dito dahil block narin ang torrent! put&*%# talaga. Hanggang pagbabasa ng reviews ng mga critics nalang ako. I’m such a big big loser!

Ayooookooo naaaaaaa! gusto ko nang bumalik sa dati!!!!!!!!!! nakakamiss kaya!.

Pero ganun talaga. Di bale, sabi nga nila minsan mas magandang mamiss mo ang isang bagay. Para kung sa kaling magawa mo ule yun, Nandun yung pananabik!.

Katulad neto. Namiss kong magblog.! nakakamiss makapagblog hop at makipagkulitan sa kapwa bloggero/bloggera..

ang daming bago..

Makakabalik din ako!

promise!

galing bestfriend google

Uy! mga ka-kwentuhan (naks ang friendly?) may sasabihin ako sayo.

Lika dali! pabulong lang to tsaka isang beses ko lang sasabihin…

Pwedeng di ka maniwala, magduda o sabihan akong “ulol mo! pakyu ka!”

Pero hindi nga totoo toh..

 

Ganito kasi yun…

.

.

.

.

.

.

.

.

 

ISANG TAON NA TONG BLOG KO NA TO!!!!

Excited?? tuwang tuwa?? 

Anyways, highways.

Malamang napansin nyo na mas madalas pa ang pagtulo ng sipon nyo kesa sa pagpost ko dito sa blog ko.

Dumating na kasi sa punto na tinamad slash nawalan ng kwento slash naging busy o kung ano ano pang shit na pwedeng idahilan para mawalan ng maipopost.

So alam mo na ha?

yun lang! ktnxbye!

Sa Mezz hall (canteen)

co-worker: “Paul ilan na ang anak mo”
ako: “Lima na ho!, Puro panganay! -_-”

Sa kwarto

ako: “o kamusta po yung bakasyon nyo?”
Room mate: “ayun nga bitin, hirap talaga iwan ang sariling pamilya noh? lalo na yung makikita mo yung anak mong malungkot? ano?”
ako: “Oo nga po! nalungkot nga po yung anak kong aso nung umalis ako -_-”

Sa Opisina habang nagtratrabaho

Krung krung: “purr (paul), How orld arl You?”
Ako: “Turning 25 years old sir?”
Krung Krung: “Really?!”
Ako:“Yes!” *short for  putang ina mong gago ka ah!


Yan at mga iilang pagkakataong napagkakamalang akoy matanda/tatay na..

Dahil ba sa Mukha na akong Ermitanyo sa gitna ng disyerto?

Kailangan ko na bang gawing boy bawang ang Stress tab?




















HINDI NAMAN DIBAAAA??!!!!








*Back to work.. -_-