Archive for the ‘Friendly friends’ Category

Ano meron NGAYON??..

Posted: Hunyo 30, 2010 in Friendly friends

Bago ang lahat…  Shit ngayon lang nagkainternet dito sa amin. Tae, Nagkaproblema daw yung Internet provider kaya halos isang araw pakiramdam ko may kulang… Gundam it, I hate it..

Anyway

NGAYON ang Inauguration ni President Elect Noynoy Aquino. Napanood ko ang replay via internet kung pano i-set up ang mga bagay na gagamitin, location kung saan gaganapin ang naturang event at kung pano ang magiging flow ng panunumpa ng bagong pangulo ng pinas. Ngayon Maguumpisa ang bagong Administrasyon. Ano kaya mang yayari sa pinas?? Abangan sa mga susunod na kabanata.

Napansin ko nagkalat sa facebook ang kung ano anong shoutout, tapos meron nakabuntot na edward cullen o ahmmm (sinu ba yung isang leading man yung werewolf???) sa hulihan. Yun pala showing NGAYON ang third sequel ng twilight. UU ung movie na tungkol sa vampire-human-werewolf affair. Ang vampire kumikinang pag naaarawan parang glitters, at yung werewolf na machong macho parang ako. Pucha! twilight fever nanaman pala!. Iko-continue ang  labidabi story ni bell a Swang at ni edwarD CulletN with matching adventure sa mundo na di ko alam kung saan. Napanood ko yung part one and two dahil boring na boring ako at no choice ako dahil may kopya ang kasamahan ko dito, masasabi kong ang korni OK naman ang movie at hindi sya kaabang abang. Ayoko nang Magcomment about sa movie kasi  madami akong friends na  hook na hook sa movie na yan, kaya gow! enjoy nalang habang mainit init pa!.Hihi

at ang pinaka-special sa araw na ito ay NGAYON ang kaarawan ng aking isang kaibigan. Si joy-tuwa-ligaya…

Ayan! yihiii.. happy birthday joy-tuwa-ligaya!!

Alam kong malungkot ka kasi, This is your first birthday na malayo ka sa family and friends mo. FYI Kakaumpisa pa lang nyang magwork abroad last month at ito ang unang kaarawan nyang wala sa pilipinas.

OOpppss bawal umiyak ok?? ok lang yan masasanay ka rin hehehehe.. Ok lang maging malungkot pero marami kang dahilan para maging masaya kaya cheers tayo dyan….Happy birthday my dear friend.. muah!

Advertisements

Sa totoo lang natuto akong gumimik nung ako’y nasa huling taon ng pagaaral sa kolehiyo, Kinakailangang amuin ang mga professor at para pumasa sa mga subject makibonding sa kanila.

Mga cheap na bar o grill lang ang pinaka-venue ng kasiyahan.. Kung saang merong 4+1 na banner o may happy nights na promo dun kame. Cant afford kasi kung mala-embassy pa ang venue.

Nung una nakakailang kasi kasama mo ang ginagalang na guro sa school, pero pag naumpisahan na aba nariyan ang kulitan, kantahan at romansahan kung ano ano pang katripan na kaya nang gawin pagnakainom na ng alak.

Isa narin siguro ito sa mga sakripisyong isinuko ko nung nagtrabaho ako abroad. Lalo na dito sa kinalalagyan kong bawal ang Alcoholic bevrag.. bevera.. ALAK. Tanggap ko naman yun, hindi naman ako ganun kasugapa sa alak. Kung tutuusin ayaw ko ang lasa nun, ang nagpapasarap duon ay yung oras na magkabonding bonding ang mga magkakabarkada. Kwentuhan ng walang kabuluhan, kulitan na walang nagkakapikunan at tawanang parang walang kinabukasan.

Paminsan minsan ay nagiinuman din kame dito courtesy of… ahmmmI dont know… basta meron sige lang… Kaso iba parin ang kasama ang barkada, iba yung closeness at kulitan effect you know!.

Gumagala rin kameng magbabarkada, nagpapaalam kame sa mga magulang namin na may station visit kame o may project na kailangang kailangang tapusin.

May mga pagkakataong nag-a-out of town ang buong klase. Nagpupunta sa Baguio, Ilocos, Puerto galera at iba pa.  Educational tour yan! hindi lang halata.

Sa ngaun, nakakamiss talaga ang ganitong klaseng mga pangyayari. Nakakainggit lalo pag nakita mo ang kanilang mga pictures na nakapost sa facebook at may kanya kanyang comment sa mga ito. Meron pa ngang nang-iingit pa amputa, at nagnanakot pa!

Yan po muna.. salamat!